Mga Benepisyo sa paglalaro ng Computer Games




10 Benipisyo na maaari mong makuha sa paglalaro ng Computer Games




         Tuwing naririnig natin ang salitang Computer games, naiisip agad natin ang negatibong epikto tulad ng hindi pagtulog sa gabi at pag adik dito ngunit sa alam nyo ba na may mabuti rin pala itong naidudulot sa atin. Aminin na natin na isa sa pinakamalaking industriya when it comes to entertainment ay ang gaming industry (GAMERS MAGINGAY). Aabot sa tatlo sa apat na tao ang gumugugol nang hindi bababa sa sampung oras kada linggo ang nag-lalaro mapa-mobile games man, computer games o maging sa console games. Hangga't hindi sobra ang paglalaro mo nito, gaming can actually be very helpful. Narito ang sampung bagay na dapat mong malaman o dapat malaman nang mga anti-gamers tulad ni girlfriend mo o kaya ng magulang mo (Joke) nang sa ganun ay maintindihan nila kung bakit at ano ka bilang isang gamer.

1. You feel relaxed, happy and free.
         Since you are doing something you like, all of your daily stress goes away, and you feel happier. Hindi katulad nang girlfriend/boyfriend mo na minsan ka na nga lang pasayahin tapos pinipigilan ka pang-maglaro. Habang In game ka kasi, dito mo lang mae-express yung feelings mo sa pag-lalaro, yung feeling na free ka, malaya ka sa kahit anong gusto mong gawin katulad nang GTA o Grand Theft Auto na game, kahit na ano ay pwede mong gawin hanggat maaari. Sa totoo lang, ang paglalaro ay nakatutulong na pabagalin ang iyong pag-tanda sapagkat habang nag-lalaro tulad nang aking sinabi na less stress ito so kung hindi ka stress, mas hindi ka agad tatanda tulad nang sinabi nang mga lolo't lola natin na kapag mainit lagi ang iyong ulo (sa taas), mabilis kang tatanda at kukulubot agad ang iyong mga balat.

2. Controlled anger release.
          Ang pagiging mainisin at magagalitin ay normal na sa atin. During gaming sessions, you are able to release all of your anger in a controlled environment. Minsan kasi tayo, kung masama ang ating loob sa isang tao, o di kaya ay bad mood tayo, ang kadalasan nating ginagawa ay mag-hanap ng away, manira nang mga gamit, suntukin ang pader at kung ano-ano pa. Sa pamamagitan nang pag-lalaro, madali mo nang ma-cocontrol ang iyong sarili nang hindi nasasaktan sa pisikal na ka-anyuan. Kung gusto mong manuntok nang napakaraming tao, mamaril o may pag-labasan nang init ng ulo (ulo sa taas ulit) pwede mong gawin sa ibat-ibang games tulad ng GTA, Left 4 Dead, Counter Strike, at marami pa. Hangga't alam mo kung hanggang saan lamang ang iyong limitasyon na dapat sa game mo lang dapat gawin ay mas mabuti. Wag mong hayaan na ang game ang maging dahilan upang ito'y iyong sundin at gawin ito sa tunay na buhay. Know your limits ka-baruy.

3. Sharper sight and a better skill at noticing details.
           Karamihan sa ibat-ibang academic research results ang nagsasabi na ang mga taong naglalaro nang mga FPS o first person-shooter na mga games ay nagpapa-improve ng eyesight nang isang tao. Dito mate-test ang skills sa paningin nang isang tao, mas napapalinaw at mas nagiging aware sa kung ano ang nakikita sa kapaligiran. Gaming improves other visual skills, such as the ability to track several objects at the same time. Kung ikaw ay ay nakaranas na nang operasyon sa mata, ang pag-subok sa mga ganitong klase nang laro ay nakatutulong sa ating optical system na mas agarang gumaling at mas mapabuti.

4. New friendships, new communities to explore.
            Hindi mawawala sa mga online games ang muliplayer o yung sabay-sabay kayong maglalaro sa iisang game lamang. Gamers tend to grow their confidence and express themselves better when they play multiplayer games. Hindi mawawala ang tinatawag na "clan" o "guilds" o di kaya naman ay "squad" sa isang game tulad nang Dota 2 o Lol sa PC at Heroes Evolved o Mobile Legends o Rogue Life naman sa Mobile. Sa bawat samahang ito at may mga miyembro na pwedeng makikilala mo mula sa ibat-ibang lugar sa mundo, makakasama sa laro o di kaya naman ay makaka-usap. Fact? Mas marami pang tunay na kaibigan sa Online games kesa sa tunay na buhay.

5. Better teamwork.
          Since many multiplayer games require perfect teamwork and dedication, ang mga tao na gumugugol nang kanilang oras sa paglalaro ay mas nagiging magaling na team players. Mas gumagaling ang bawat players sa mga strategies, kung paano makipa-tulungan sa mga kasama at mas natututunan nila na magkaisa upang manalo kaso kadalasan may mga cancer lang talaga at makasarili kaya laging talo, hindi na mawawala yung mga ganung tao. Kaya kung may maayos at magaling kang mga team mates, ako na mismo ang nagsasabi na pakawalan mo na ang lahat, wag lang sila.

6. Faster problem solving.
         Many computer/mobile games give players complicated probems to solve katulad na lamang ng mga puzzle games, number games, word games at marami pa. Players often need to analyze the situation quickly, and go through alternative routes in their heads before deciding which to take.

7. Remain fit and healthy.
       May mga fitness and sports na laro katulad na lang sa Nintendo Wii na nagpapabuti nang ating katawan. May mga sports tulad nang tennis o baseball na ginagamitan mismo nang boung katawan upang malaro. Sa pamamagitan nito, ang bawat parte na gumagalaw sa ating katawan ay mas nakatutulong para sa ating Physical fitness.

8. Enhance creativity, better imagination.
        May mga laro naman na nakatutulong na mas palawakin ang ating imahinasyon. Katulad na lamang ng Clash of Clans na game, dito mo maipapakita ang pagiging creativity mo kung paano mo maproprotektahan ang iyong nasasakupan. Sa larong Minecraft naman, dito mo maipapakita ang iyong imahinasyon sa pag-gawa nang ibat-ibang bagay na gusto mong gawin katulad nang bahay na gusto mong gawin sa iyong paglaki at marami pa. Ang paglalaro nang mga ganitong klaseng game ay mas nakakapagpabuti nang ating isipan sa tulong nang ating imahinasyon.

9. Less psychological burden, less aches.
         You can treat your anxiety or back pain, or even toothache, while gaming. Research shows that gaming can help distract your brain, so you can concentrate on other things. Habang naglalaro, makakalimutan mo na lamang ang sakit na iyong nararamdaman pero depende na din kung malalang sakit yan.

10. Important improvements in diseases
          There is strong evidence that video games can help treat many Alzheimers and Schizophrenia cases.

         Hindi lang sampu ang mga bagay na nakakapag-pabuti sa pag-lalaro nang mga computer o mobile games. Alam naman natin na sa bawat mabuting naidudulot ng isang bagay sa atin ay hindi na mawawala ang kaakibat nitong kasamaan. Hanggat alam mong nasa tama pa ang iyong ginagawa, alam mo ang iyong limitasyon at kung alam mong nakabubuti pa ito sayo ay walang masama. Nasa sa atin naman kung paano natin dadalhin ang isang laro. Failure doesn't mean the game over, it means try again with experience. Life is a game and true love is a trophy.

" Gamers don't die, they respawn! "

Comments

Post a Comment